Paano Ba Ako Magsisimulang Magtipid?
Maraming mga tao ang hindi alam kung paano ba sila magsisimula when it comes to saving money. Sa AMERICA,
karamihan ng mga tao doon ay hindi alam kung magkano na ba ang
nagagastos nila sa kanilang mga Bank Accounts, Savings or Checking
Accounts. Naranasan mo na din ito?, natanung mo na din ba ang sarili mo
kung saan ba napunta lahat ng mga perang pinagpaguran mo?
Unang tip para sa ganun ay malaman mo kung paano ka
makakapagsimulang magtipid, ay dapat meron kang "List of Expenses"
ibig sabihin, dapat ay ilista mo lahat ng mga ginagastos mo para
malaman mo kung saan ba lahat napupunta ang pera mo. Magugulat ka nalang
na mas marami ka palang nagagastos sa mga walang ka kwenta-kwentang mga
bagay na hindi mo naman talaga kailangan. Kapag nagawa mong maglista ng
expenses mo, matutunan mo kung anu yung mga bagay na dapat mong baguhin
para matulungan na makapagtipid.
Pangalawa ay dapat "Keep your Social Life Intact" ibig
sabihin, kahit na nag-e-enjoy ka sa labas kasama ang mga kaibigan at
kamag-anak mo ay hindi ka pa din maluho sa mga bagay na gusto mo.
Halimbawa nalang ang pagpunta sa mga mamahaling Restaurants, pagpunta sa
mga pasyalan, etc..
Maraming
paraan ang pwedeng magawa kahit nag-e-enjoy sa buhay at the same time
nakakapagtipid ka ng pera. Kung pwede naman maghanda nalang ng dinner sa
bahay at yayain ang mga kaibigan mo para hindi na kayu lumabas pa at
gumastos ng malaki. This provides for a lovely social atmosphere at a
fraction of the cost.
"Getting Through the Day" pangatlong
tip na dapat mong malaman. Tanungin mo yung sarili mo, ilang beses kang
bumibili ng instant coffee sa mga coffee chains? kung pwede ka naman
magtimpla nalang bago ka pumasok sa trabaho hindi ba? Gaano kadalas
bumibili ka ng lunch or kumakaen sa labas kapag lunch break sa eskwela
or sa trabaho? kung pwede ka naman magbaon nalang hindi ba? Gaano
kadalas bumibili ka ng snacks? Gaano ka kadala bumibili ng News Paper?
kung ang babasahin mo lang doon ay ung part lang na gusto mo tapos
itatabi mo nalang at hindi na ulit babasahin..sayang lang diba? Pwede ka
naman manood ng kahit 30mins na balita sa tv araw-araw..mas makakatipid
ka pa.
Imagine
kung sa isang taon ay bumibili ka ng mga instant coffe sa labas, tingin
mo magkano kaya ang pwedeng abutin nito? or sa mga news paper, sa mga
lunch na binibili mo or sa mga snacks. Tingin mo kaya malaki ang
maitutulong nito para sa daily expenses mo kung susubukan mo lang na
magtipid para sa mga bagay na'to? It is okay to treat ourselves to these
things once in a while but purchasing them daily results in lots of
money being wasted. :)
4th tip is "Shopping" Kung plano mo ang mag-shopping..iwanan mo nalang sa bahay ang iyong Debit/Credit Card..baket? Kasi kung etong mga to' ang palagi mong gagamitin sa pambili ng mga bagay na gusto mo, sure yun! hindi mo mararamdaman ang gastos. Wala ka kasing pangamba na baka wala ka ng pambili kasi ang credits cards ay hindi naman yan katulad ng mga Cash Money na talagang nakikita mong nauubos. Pero maganda pala ang result nun kapag hindi ka gumamit ng mga credit cards kasi nalalaman mo agad kung magkano na ba ang nagagastos mo kesa yung swipe ka lang ng swipe at hindi mo namamalayan malaki na pala ang nagastos mo so hindi ka na nakatipid.
Kapag naman pupunta ka sa grocery, subukan mong mamili kapag gabi na. Minsan kasi ay nag-o-offer na sila ng lower price kapag mga late nights na..so sa ganung paraan makakatipid ka pa kahit konti lang sa budget mo. Check mo din kung may mga offers ba sila or promo. Hindi mo man masabi na malaki ang natipid mo, pero kung titignan mo sa kabuuan kung sa isang taon ay ganito ang ginagawa mo, i'm sure na malaki ang mababawas sa mga gastusin mo at makakatipid ka ng husto.
How-ever, madami pa rin paraan para makapag tipid ka ng pera mo ng hindi mo naman kailangan i-give up kung anung gusto mo. Nasa sa atin nalang yan kung anu ba sa tingin mo ang makakabuti para sayo. :)
So I hope na meron kang natutunan sa article na'to. You can share this to your friends and family if you want!
Thanks for Reading, You may Share OR Like this post.
Your Partner To Success
- Christian Rogelio
Internet Entrepreneur/Marketer/Leader